Mensahe ng pasasalamat mula sa dekano:
Mula sa Kolehiyo ng Arte at Literatura, lubos ang aming pasasalamat sa pagbuhos ng suporta mula sa ibaโt ibang kolehiyo, UC Committee, AUPEAU, CALSC at mga organisasyon, kasama ilang Professor Emeriti at mga non-academic personnel kaugnay ng aming krusada sa paghahanap ng ๐ค๐๐ ๐ฒ๐๐ญ ๐๐ญ ๐ฉ๐๐ซ๐ฆ๐๐ง๐๐ง๐ญ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ง๐ฅ๐ฎ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ฌ๐๐ฅ๐ข mula sa walong taong pakikitira sa Pavillion at Acacia.
Bagamaโt hindi pa naman talaga ganap na nakukumpuni ang gusaling aming lilipatan, ang mga senyas, paramdam, at mga salita na nagmula sa bibig ng nakararami kasama ang buong suporta ng ating tsanselor ay sapat upang sabihing nakamit namin ang tagumpay mula sa sama-sama at kolektibong pagkilos ng isang nagkakaisang pamayanan. Hiling namiโy samahan n'yo pa kami sa ganap naming pag-okupa hindi lang sa pisikal na gusali kundi sa kamalayan ng marami na ang disiplinang Arte at Literatura ay bahagi at kabiyak ng karunungang dapat makamtan ng sinumang mamamayan ng mundo at upang maging ganap ang kaniyang pagiging tao.
Daghang salamat at padayon!
[BASAHIN DITO] Tugon ng pag-suporta ng University Council:
Commentaires