College of Arts and Letters
University of the Philippines Diliman
Kolehiyo ng Arte at Literatura
Departamento ng Filipino
at Panitikan ng Pilipinas
Departamento ng Filipino
at Panitikan ng Pilipinas
Departamento ng Filipino
at Panitikan ng Pilipinas
Department of Filipino and Philippine Literature
BISYON
Maisakatuparan ang paggamit ng wikang Filipino bilang pangunahing wika sa lahat ng antas at larangan ng Pilipinas at maging isang pangunahing wikang pandaigdig.
MISYON
-
Magtaguyod ng isang matatag na makinarya/ istruktura na magpapahusay sa pagtuturo at magtitiyak sa pagpapalaganap ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa antas pambansa at internasyonal;
-
Magsagawa ng mga pananaliksik at lumikha ng mga akda na tutulong sa patuloy na pagpapaunlad ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas;
-
Regular na maglathala ng mga napapanahong publikasyon sa Filipino at Panitikan ng Pilipinas;
-
Manguna sa paglulunsad ng mga programa/gawain kaugnay ng mga larangan sa wikang Filipino at Panitikan ng Pilipinas;
-
Makilahok sa pagpapatatah ng kilusan sa wikang Filipino at Panitikan ng Pilipinas.
Kasaysayan
Itinatag ang DFPP noong 1966 bilang napapanahong tugon ng UP sa pangangailangang humubog ng oryentasyong maka-Pilipino’t makabayan sa mga estudyante ng Unibersidad. Para mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng estudyante sa kultura at lipunang Pilipino, naging mga pangunahing layunin ng DFPP ang:
-
pagpapaunlad ng wikang Filipino at mga wika sa Pilipinas;
-
pag-aaral at pagsaliksik sa panitikan ng iba;t ibang etnolingguwistikong grupo para makaambag sa pagbubuo ng pambansang panitikan at kultura.
Tinutupad ang mga layuning ito sa mga programang akademikong binuo at pinaghusay; publikasyon ng mga pananaliksik ng fakulti sa journal na Lagda, mga kumperensiya, seminar, at workshop sa loob at labas ng UP, at iba pang gawaing ekstensiyon ng mga miyembro ng departamento.
Kabilang sa fakulti ng DFPP ang mga tanyag na manunulat, batikang iskolar, at kritiko sa wika, panitikan, at kultura ng Pilipinas.
Admissions
Mga Kahingian para sa Asosyado sa Arte sa Malikhaing Pagsulat sa Filipino
-
General weighted average para sa mga bagong katatapos sa Grade 12 na 80% pataas
-
Halimbawang malikhaing akda
-
Eksam na binibigay ng departamento
-
Interbyu
Mga kahingian para sa Shiftees at Transferees mula sa ibang UP unit at College / University na nais mapabilang sa B.A. Filipino at Panitikan ng Pilipinas, B.A. Malikhaing Pagsulat, at B.A. Philippine Studies (Araling Pilipino):
-
General Weighted Average ng 2.0 pataas
-
Interbyu
-
Eksam
Para sa mga programang asosyado and di-gradwado, makipag-ugnayan Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas: dfpp.upd@up.edu.ph.
Mga Kahingian ng Programang Masterado at Doktorado:
-
Liham pabatid na naglalaman ng tunguhing pananaliksik
-
Nasagutang Pormularyo mula sa GSO
-
Transcript of Records
-
Rekomendasyon mula sa dalawang dating guro o supervisor
-
Interbyu
Para sa mga programang masterado at doktorado, makipag-ugnayan sa CAL Graduate Studies Office: cal_gso.updiliman@up.edu.ph
Larawan mula sa: https://upd.edu.ph/wp-content/uploads/2015/05/Tumutol-sa-CHED-5.jpg
Department Executive Committee
Asst. Prof. Schedar D. Jocson
Tagapangulo
sdjocson@up.edu.ph
Asst. Prof. Maynard G. Manansala
Katuwang ng Tagapangulo
mgmanansala@up.edu.ph
Assoc. Prof. Ma. Althea T. Enriquez
Tagapag-Ugnay ng
Larangan ng Wika mtenriquez@up.edu.ph
Assoc. Prof. Pauline Mari F. Hernando
Tagapag-Ugnay ng
Larangan ng Panitikan
pfhernando@up.edu.ph
Assoc. Prof. Joanne V. Manzano
Tagapag-Ugnay ng
Larangan ng Phil. Studies
jvmanzano@up.edu.ph
Mr. Karlo Mikhail I. Mongaya
Tagapag-Ugnay ng
Programang GE
kimongaya@up.edu.ph
Assoc. Prof. Will P. Ortiz
Tagapag-Ugnay ng Larangan ng Malikhaing Pagsulat
wportiz@up.edu.ph
Assoc. Prof. Vina P. Paz
Tagapag-Ugnay ng
Gradwadong Programa
vppaz@up.edu.ph
Asst. Prof. April J. Perez
Tagapag-Ugnay ng
Di-Gradwadong Programa
ajperez@up.edu.ph
Faculty Roster
Administrative Staff
Ivy R. Argote
Administrative Officer IV
Mark Joseph N. Mirasol
Administrative Aide III
Susan L. Alcantara
Administrative Assistant II
Allen Mae M. Camacho
Assistant Utility Worker
Abraham Janio
Junior Utility Worker
Contact Us
Room 1105, Pavilion 1, Palma Hall
Roxas Avenue corner Roces Street
University of the Philippines, Diliman
Quezon City 1101, Philippines
+632-8-981-8500 loc. 2123