Change of Matriculation
Ano ito?
Paraan ng pagdaragdag ng subject/s o pagkakansela ng subject/s na nai-enrol na.
Paraan ng pagpapalit ng section na hindi magkapareho ng oras sa makatuwirang dahilan lamang.
Paraan:
Kumuha ng Change Matriculation form sa CAL 101 at punan mabuti ang mga hinihinging impormasyon gaya ng “section” at “class code” ng subject/s na idadagdag o kakanselahin.
Magpapirma (ayon sa pagkakasunud-sunod) sa Instructor, Adviser, at College Secretary.
Magbayad sa PNB Bldg., 2nd Floor, Cashier’s Office (sa likod ng Shopping Center).
Dalhin sa Change of Matriculation Section, Office of the University Registrar (OUR) ang form kasama ang Official Receipt ng binayaran.
Note:
Tingnan kung nababasa ang Second page ng change of matriculation form at kung hindi mangyaring i-rewrite ang mga impormasyon.
Ang Change of Matriculation ay hanggang huling araw ng “late registration” lamang.
|