UP-KAL Home
Kontemporaryong Gamelan Pilipino (Kontra-Gapi)

KONTEMPORARYONG GAMELAN PILIPINO (KONTRA-GAPI)

Ang Kontra-Gapi ay nag-ugat sa pangkat-musika na binuo ni Propesor Pedro “Edru” Abraham, Jr. nang siya ay maatasang maglapat ng musikang orihinal at tunay na Pilipino para sa isang pagtatanghal ng Dulaang UP, ang Isang Dulang Panaginip, na itinanghal noong Hulyo 1989. Ang dula’y naging matagumpay, at isa sa mga aspetong pinuri ng mga kritiko ay ang musika na tinaguriang kapansin-pansin at tunay na kakaiba. Simula noon, nagkaroon na ng humigit-kumulang sa isang libong pagtatanghal ang Kontra-Gapi.

Naglalayon  ang pangkat na ipalaganap ang kamalayan sa musika’t kulturang katutubo, at patunayan na ang larangan ng sining ay hindi para sa dalubhasa lamang. Noong 1993, ang Kontra-Gapi ay itinalagang Opisyal na Pangkat-Etniko sa Musika at Sayaw ng Kolehiyo ng Arte at Literatura. Pagkalipas ng tatlong taon, Pebrero 1996, tumaggap naman ang pangkat ng UP Diliman Chancellor’s Award for Outstanding Achievement in the Arts.

Dalawang album na ang nai-rekord ng Kontra-Gapi – ang World Beat, World Music, Filipino at ang Gong at Ritmo, Lunggating Pilipino. Taong 1997, tumulak ang pangkat patungong Europa at Hilagang Amerika upang mag-tour sa loob ng pitong buwan. Makalipas ang dalawang taon, nagpalaganap naman sila ng sining at kulturang Pilipino sa ating mga karatig-bansa sa Timog-Silangang Asya – sa Laos at Vietnam. Nang sumunod na taon, muling naglayag para sa pangalawang tour ng pitong buwan ang pangkat sa Hilagang Amerika. Taong 2003, muling naglakbay ang pangkat patungong Australia sa loob ng isang buwan.

Sa bawat pagtatanghal, ipinagmamalaki ng Kontra-Gapi ang pagkakaroon ng isang all-original repertoire. Hindi rin nawawala ang aspetong komunal sa mga pagtatanghal ng pangkat, kung saan ang mga manonood ay hindi lamang nanonood; bagkus nagiging bahagi sila ng palabas  -- bilang bahagi ng paglikha ng sining.
© Copyright University of the Philippines College of Arts and Letters. All Rights Reserved. Content Management by DO-CMS. Designed and Developed by EACOMM Corporation. Visitor: free web counter Buy hepa air purifiers air purifier consumer reports air purifier review. furniture collections