top of page
closeup-white-paper-texture-background-texture-w-2022-10-04-00-07-16-utc.jpg
IMG_6087.HEIC
246179219_406807824299558_810786402491362251_n.jpg

Victor Emmanuel Carmelo D. Nadera Jr.

Professor

Panitikan/Malikhaing Pagsulat/Araling Pilipino

closeup-white-paper-texture-background-texture-w-2022-10-04-00-07-16-utc.jpg

Si Vim Nadera ay nagsimulang maging consultant ng Bataan High School for the Arts habang siya ay propesor sa Unibersidad ng Pilipinas. Sa tulong ng National Commission for Culture and the Arts, nakapagturo siya online sa mga gurong nag-aaral ng Philippine Cultural Education Program. Bilang makata, nakapaglathala siya ng aklat sa U.P. Press – Gadaling-Noo (2021) at Kumusta, 2020? (2022) bilang bahagi ng Philippine Writers Series. Nakapagsulat siya ng titik para sa himig ni Paul Val Peña tungkol sa COVID-19. Ginamit sa short film ng anak niyang si Wika para sa MakbetaMaximus: Theater of Destruction, This Is Not A Rap Opera (2021). Aktor siya ng nasabing direktor sa pelikulang Orphea/Love Is A Dog From Hell. Bilang sanaysayista, nakapasa siya sa Performing Philippine Pedagogy in the Precarious Pandemic Present (2022), Himaymay: Approaches to Philippine Literature (2022), Reading The Regions (2020), at Sanghaya: The Philippine Arts and Culture Yearbook (2020) ng N.C.C.A. Kolumnista siya ng Hataw, Liwayway, at Rappler na umayuda sa sinimulan niyang patimpalak sa pagsulat ng COVIDiona, COVIDagli, at COVIDalit. Bilang tagasalin, isina-Filipino niya ang Kcymaerxthaere: The Story So Far . . . (Folio 1) – ni Eames Demetrios. Bukod sa programang panradyo ng Cultural Center of the Philippines sa DZRH na pinamagatang Diskarte noong 2023, nakapag-Balagtasan din sila ni Michael Coroza sa inorganisa niyang Hulagpos-Hulagway na itinanghal ng Department of Foreign Affairs sa iba’t ibang embahada sa buong mundo noong buwan ng Buwan ng Wika ng 2020. Festival Director siya ng Performatura International Performance Literature Festival ng C.C.P. noong 2015, 2017, 2019, 2021, at 2023 samantalang Workshop Director siya ng 5th Amelia Lapeña-Bonifacio Writers Workshop ng U.P. I.C.W.. Ginawaran siya ng Parangal Hagbong (2020) ng The Varsitarian ng U.S.T, Award for Excellence (2022) ng Rotary Club of Tayabas Central, at Centennial Professional Chair (2021) at One U.P (2022) ng U.P. Diliman.

closeup-white-paper-texture-background-texture-w-2022-10-04-00-07-16-utc.jpg

Publications:

Reading The Regions (2020)
Sanghaya: The Philippine Arts and Culture Yearbook (2020)
Gadaling-Noo (2021)
Kumusta, 2020? (2022)
Performing Philippine Pedagogy in the Precarious Pandemic Present (2022) Himaymay: Approaches to Philippine Literature (2022)

bottom of page